Pangunahing Patakaran sa Pagbura ng mga Puwersa Laban sa Lipunan
â– Pangunahing Patakaran sa Pagbura ng mga Puwersa Laban sa Lipunan
C-Square Inc.(pagkatapos dito ay tatawaging 'Kumpanya') ay nagdedeklara sa Pangunahing Patakaran sa Pagbura ng mga Puwersa Laban sa Lipunan (Basic Policy for Eradicating Anti-Social Forces) para maiwasan ang anumang pinsala na dulot ng mga pangkat o indibidwal ng Mga Puwersa Laban sa Lipunan, na sumusubok na magkamit ng ng pang-ekonomiyang mga benepisyo sa pamamagitan ng karahasan, puwersa, o mga madayang kilos.
1. Ang Kumpanya at lahat ng mga opisyal at empleyado nito, pinagsama bilang isang organisasyon, ay matatag na kikilos sa hindi pagkakaroon ng anumang relasyon sa mga Puwersa Laban sa Lipunan.
2. Magtatag ang Kumpanya ng malapit na replasyon sa specialized na mga ahensya tulad ng pulisya, Crime Syndicate Elimination Center, at mga legal counsel, at pangangasiwaan nang maayos sa organisadong paraan upang maiwasan ang mga pinsala na dulot ng Mga Puwersa Laban sa Lipunan.
3. Hindi makikipag-engage ang Kumpanya sa mga Puwersa Laban sa Lipunan sa anumang mga okasyon, at palaging tatanggi sa anumang hindi makatwirang hihingin ng mga Puwersa Laban sa Lipunan.
4. Hinding-hindi magbibigay ang Kumpanya ng mga benepisyo sa Mga Puwersa Laban sa Lipunan, at hindi ito makikipagsundo nang lihim sa mga Puwersa Laban sa Lipunan.
5. Titiyakin ng Kumpanya ang kaligtasan ng empleyado na na siyang humaharap sa hindi makatwirang mga hinihingi ng Mga Puwersa Laban sa Lipunan.
Ika-1 ng Agosto 2010