Pagkakansela ng iyong Order

Ang oder na Magpadala ng Pera na hindi pa nakolekta ng benepisyaryo ay maaaring ikansela.
Gayunpaman, kung ang anumang restriksyon ng mga batas ng Japan o anumang dahilan ng pagtanggi ng aming mga partner ay maaaring ilapat, hindi ka pahihintulutang kanselahin ang iyong order.
Pakibasa ang mga nilalaman sa ibaba, para malaman kung paano kanselahin ang iyong order at kung magkano ang ibabayad mo dito.

Pagkansela ng iyong Order na Magpadala ng Pera

Bago magawa ang pagbabayad

Maaari mong ikansela ang iyong order, nang walang bayad.

Matapos makapagbayad

Sisingilin ang bayad sa pagkansela, na katumbas ng service fee.

Pagkansela sa Order na Tumanggap ng Pera

Kapag nakasali ka na sa kontrata ng remittance na tumanggap ng pera, hindi ka pahihintulutang kanselahin ang iyong order.
Gayunpaman, tumatanggap kami ng pagkansela, nang walang bayad, para sa mga order na hindi pa namin naproseso.

Paano Magkansela ng Order

▼ Mag-login muna ▼

Magpa-pop up ang pahina ng pag-login sa bagong window

Mag-login

I-click ang 'Mag-login' sa itaas.

Pakipunan ang mga blangko ng iyong ID ng miyembro at password, at i-click ang 'Mag-login'.

Kung ikaw ay isang guest (hind rehistrado) user, pakilagay ang Numero ng iyong Order at ang Guest Code, at i-click ang 'ipadala ang email'.
Matapos matanggap ang iyong one-time code sa pamamagitan ng email, pakilagay ang code at i-click ang 'Subaybayan ang Pera'.

Kasaysayan ng Order

Matapos mag-login, ipapakita ang kasaysayan ng order.
Pakipili ang numero ng order na gusto mong ikansela.

Sakaling isang guest, ang mga detalye ng iyong order ay idi-display kaagad.

Kung kwalipikado kang magkansela, makikita mo ang "Kanselahin ang Order' sa pahina.
I-click ang 'ikansela ang Order'.

Kumpirmahin ang Kanselasyon

Mag-iiba-iba ang mensahe ng kanselasyon depende sa estado ng iyong order.

[Bago magawa ang pagbabayad]
Paki-check at kumpirmahin ang mga detalye, at i-click ang 'Kanselahin ang Order'.

[Matapos makapagbayad]
Ang mensahe ng kanselasyon na nangangailangan ng iyong kumpirmasyon ay idi-display.
Kung may halagang mare-refund, maaari mong ipadala muli ang pera o humingi ng refund.