- Gaano katagal bago ko makuha ang aking Yuucho Remit card?
- Paano ko matingnan ang pre-registered na benepisyaryong naka-link sa aking Card?
-
Maaari mong tingnan muka sa `My Account Top` [enRemit ATM Card] matapos mong mag-log-in.
- Maaari ko bang palitan ang aking pre-registeredna benepisyaryo?
- Maari rin bang mag-apply ang isang Guest User ng enRemit ATM Card?
-
Hindi, iniaalok lamang ang enRemit ATM Card sa aming mga miyembro.
- Ano ang kailangan kong gawin matapos magdeposito sa Card?
enRemit ATM Card
enRemit ATM Card (Automatic Bank Transfer Card)

Magpadala ng pera sa iyong pre-registered na benepisyaryo, sa pamamagitan ng pagdeposito lamang sa Lawson gamit ang enRemit ATM Deposit Card.
Q1.Ano ba ang enRemit ATM Card?
A1.Ang enRemit ATM Card ay isang 'Automatic Bank Transfer Card' na ginagamit sa pagbabaayd sa isang itinakdang bank account.
Sa pamamagitan ng paggamit sa enRemit ATM Card, tinutupad ng enRemit ang plano kung saan ang aming mga miyembro ay magdedeposito lamang sa kanyang Card at ang pera ay awtomatikong ipapadala sa kanyang pre-registered na benepisyaryo. Hindi tulad ng pag-apply ng remittance sa web page o fax sa pamamagitan ng remittance application form, hindi na kinakailangan pang tukuyin ulit ang detalye ng benepisyaryo sa tuwing magpapadala.
Q2.Paano ito magiging kapaki-pakinabang?
A2.Isipin lamang natin ang ideya ng 13,500 na lokasyon kung saan puwede magpadala sa loob ng Japan na naka-link sa 340,000 lokasyon ng payout sa labas ng bansa.
Sa enRemit, naniniwala kami na ang pagpapadala ng pera ay dapat mas abot-kaya, naaakses, o kaaliw-aliw pa. May isang network ng 26,000 JP Bank counters at 24,000 ATMs na nakakalat sa buong Japan, simpleng pwedeng magpadala ng pera sa alinmang kalye.
Sa pamamagitan ng pagdeposito sa iyong Card, awtomatikong mapapasimulan ang order na Magpadala ng Pera.
- Ipapadala ang iyong pera sa labas ng bansa sa ganung araw rin, kung magdedeposito ka bago lumipas ang 3PM JST sa alinmang araw na may pasok sa trabaho.
- Ang bawat Card ay para lamang sa iisang itinakdang benepisyaryo (Isang Card lamang ang pupwedeng i-issue sa bawat customer)
- Maaari kang magdeposito ng pera sa Lawson Bank ATM o Lawson Bank counter
- Maaari ka lamang magdeposito ng Japanese yen bill.
Q3.Paano ako mag-aplay? Paano ko ito gagamitin?
A3.Ang mga diagram sa ibaba ay nagpapakita sa daloy.
-
Mag-apply ng enRemit ATM Card
-
Irehistro ang impormasyon ng benepisyaryo, dahilan ng remittance, atbp. mula sa screen ng “My Account Top”→ [Mag-apply ng enRemit ATM Card] .
-
Matapos mong matanggap ang iyong enRemit ATM Card
-
Kapag dumating ang Card, pakikumpirma na tama ang numero ng card, paraan ng paghahatid, currency, at ang pangalan ng benepisyaryo na naka-print sa sulat.
-
Magdeposito sa iyong enRemit ATM Card
-
Mangyaring i-deposito ang halaga ng ipapadala. Ibabawas ang sending fee at deposit fee sa halaga na dineposito at ipapadala ang natirang pera.
Q4.May masasabi ka pa bang iba sa akin?
A4.Pakitingnan ang mga sumusunod na Tanong at Sagot para makuha ang mas detalyadong larawan ng enRemit ATM Card.
Mag-aplay Online
▼ Mag-login muna ▼
Magpa-pop up ang pahina ng pag-login sa bagong window
I-click ang Menu ng 'enRemit ATM Card'

Pumunta sa menu ng 'Aking Account' , at i-click ang 'enRemit ATM Card'.
Tingnan kung maaari kang mag-aplay

Maaari mong tingnan kung nakapag-aplay ka na para sa isang Card. Pakitandaan na maaari ka lamang magkaroon ng isang Card sa bawat pagkakataon.
I-click ang 'Mag-aplay para sa isang enRemit ATM Card'. (Ipapakita ang button kung hindi ka pa nakapag-aplay kailanman.)
Irehistro ng impormasyon ng iyong benepisyaryo

Pakibasa ang mga alituntunin at kondisyon ng enRemit ATM Card. Pakipunan ang form matapos kang sumang-ayon sa mga alituntunin at kondisyon.
Paano punan ang form
I-click ang 'Susunod'.
Kumpirmahin ang iyong inilagay

Pakikumpirma ang iyong inilagay at i-click ang 'Kumpirmahin'.
Tapos na ang aplikasyon

Iyan na! Tapos ka na sa iyong aplikasyon.
Tanggapin ang iyong card

Kung okay na ang lahat sa iyong aplikasyon, ipapadala namin ang iyong enRemit ATM Card sa address na naka-print sa iyong ID sa susunod na araw na may pasok. Kung ang iyong Card ay hindi dumating sa loob ng 7 araw mula sa iyong aplikasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa enRemit Service Center.
Handa na ngayon ang lahat!

Mangyaring gamitin ang enRemit ATM Card para magdeposito ng pera sa Lawson Bank ATM. Pagkatapos kumpirmahin ang iyong pagbabayad, magpapadala kami ng awtomatikong email. Maaari mo ring tingnan ito mula sa `My Account Top`
Kung nagparehistro ka na bilang isang miyembro,
Mag-aplay sa pamamagitan ng FAX o Mail (Sa Pagpaparehistro ng Miyembro)
Maaari kang mag-aplay para sa Card kapag nagparehistro ka bilang isang miyembro sa pamamagitan ng FAX o mail.
Punan ang form at isumite sa amin
I-mail ang Form ng Aplikasyon
Form ng Aplikasyon
isang kopya ng iyong balidong ID
Tungkol sa Pagberipika ng ID

[Mail Application]
Pakipunan ang form ng pagpaparehistro ng miyembro at ipadala ito kasama ng kopya ng iyong balidong photo ID. Paki-print ang aming label, idikit ito sa iyong sobre at ihulog sa mailbox. Hindi na kailangan ang selyo.
I-fax ang Form ng Aplikasyon
Form ng Aplikasyon
isang kopya ng iyong balidong ID
Tungkol sa Pagberipika ng ID

[FAX Application]
Mangyaring ipadala sa amin ang iyong form ng pagrehistro ng miyembro at isang kopya ng iyong balidong photo ID sa pamamagitan ng FAX (03-3359-0029, Para sa:enRemit)
Ang sulat na pag-welcome kasama ang enRemit ATM Card ay i-email sa iyo

Kung okay na ang lahat sa iyong aplikasyon, magpapadala kami sa iyo ng sulat na pag-welcome sa address na naka-print sa iyong ID.
Kung pupunan mo rin ang impormasyon sa iyong benepisyaryo, ilalakip ang isang enRemit ATM Card sa loob ng sulat na pag-welcome.
Handa na ngayon ang lahat!

Ngayon na nasa kamay mo na ang iyong Card, maaari ka nang magdeposito sa alinman 13,500 lokasyon ng Lawson Ban.
Maaari mong tingnan ang impormasyon ng iyong benepisyaryo na naka-link sa iyong Card mula sa 'My Account' menu.
Mga detalye ng service (enRemit ATM Card)
enRemit ATM Card |
Sa serbisyong ito, kapag nag-deposito ka sa ATM ng Lawson Bank gamit ang enRemi ATM Card, ibabawas ang ATM transfer fee at remittance fee sa halagang dineposito at ipapadala ang natirang halaga sa pre-registered na destinasyon |
---|---|
Mga Pangunahing Kailangan |
Ang paggamit ng enRemit ATM Card ay limitado sa mga customer na nakatutupad sa sumusunod na mga kondisyoning conditions, and agrees to our terms and conditions.
|
Layunin ng Pagpadala |
Sa kasalukuyan, hindi kami tumatanggap ng pagpapadala ng pera para sa sumusunod na mga dahilan : * Pagpapadala ng pera para sa bayad sa import o singil sa serbisyo. * Anumang nasabing pagpapadala ng pera na sakop ng naunang pahintuloy, pag-apruba, report, o rehistrasyon na kinokontrol ng 'Batas sa Foreign Exchange at Foreign Trade'. |
Maximum na Halaga ng Ipinadala |
500,000 Japanese yen sa isang beses na padala |
Minimum na Halaga g ipapadala | ¥5,000 kada order |
Mga Bansa at mga Currency na sinasaklaw | Maaari kang pumili mula sa ating mga talaan ng mga bansa at currencies. |
Mga Service Fee | Ang bayad sa pagdeposito sa ATM ay (330 yen) at ibabawas ito mula sa halaga na dineposito. |
Mga Singil sa ATM / Bangko | Pakitandaan na ikaw ang dapat magbayad sa mga singil sa ATM/bangko. Ikakaltas ang mga singil mula sa halaga na iyong dineposito. |
Pagproseso ng Order |
Ang perang idineposito hanggang 3PM JST(oras ng pagsasara ng mga bangko ng Japan) ay ipoproseso sa kaparehong araw ng negosyo. Ang mga deposito makalipas ang 3PM ay ipoproseso sa kasunod na araw na bukas ang negosyo. |
Kanselahin at Mag-refund |
|
Pagpapalit ng impormasyon ng Remittance |
Pakitandaan na hindi mo maaaring palitan ang iyong benepisyaryo kaagad matapos mong ideposito ang pera. * Kung nais mong baguhin ang impormasyon ng remittance na nakarehistro sa iyong enremit ATM deposit card, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng e-mail (email: info@enremit.com) na may mga detalye ng mga pagbabago. |
Mahalagang Abiso |
Maaaring waksan ng enRemit ang kontrata o suspindihin ang serbisyo sa ilalim ng mga alituntunin at kondisyon na walang paunang abiso. |
Ibang impormasyon |
|