Patakaran sa Pagkapribado
■Patakaran sa Pagkapribado
Para mapanatili at maprotektahan ang tiwala ng ating mga pinahahalagahang customer, ang C-Square Inc. (pagkatapos nito ay tatawaging 'Kumpanya') bilang isang rehistradong rehistradong Funds Transfer Service Provider, ay gagawin ang lahat ng pagsisikal, sa mabuting dahilan, na tiyakin ang angkop na proteksyon at paggamitng personal na impormasyon sa pamamagitan ng epektibong pagpapatulad ng pang-organisasyon, mga tao, at teknikal na panseguridad na hakbang. Kaugnay ng proteksyon sa personal na impormasyon ng cutomer, susunod ang Kumpanya sa kaugnay na mga lokal na batas at ordinansa at mangangasiwa ayon sa mga tuntunin na itinakda nitong Patakaran sa Pagkapribado at patuloy na rerepaso at magpapahusay sa system ng pangangasiwa ng pagkapribado nito.
Patakaran ng Pangasiwaan
Pagkilala sa kahalagahan ng pagprotekta sa personal na impormasyon sa lipunan ng modernong impormasyon-komunikasyon ngayon, gagawin ng Kumpanya ang lahat ng kailangang mga hakbang para protektahan ang personal na impormasyon. Hindi lamang susunod sa mga batas at regulasyon ang Kumpanya kaugnay ng pagprotekta sa personal na impormasyon, ngunit magtatakda rin at susundin ang set ng mga panloob na tuntunin para makamit ang mas matibay na pagkakaisa.
Wastong Pagkuha ng Personal na Impormasyon
Kukunin ng Kumpanya ang personal na impormasyon na kailangan para isagawa ang negosyo nito sa legal at patas na paraan.
Ang mga Layunin ng paggamit ng Personal na Impormasyon
Tutukuyin ng Kumpanya ang mga layunin ng paggamit ng personal na impormasyon at hindi ito gagamitin lampas sa tinukoy na mga layunin. Dagdag pa, hindi gagamitin ng Kumpanya ang personal na impormasyon lampas sa mga layunin na limitado ng anumang angkop na mga batas o regulasyon.
Ang mga layunin ng paggamit ng personal na impormasyon ay itinakda at inilarawan sa pahina sa ibaba.
Ang mga Layunin ng paggamit ng Personal na Impormasyon
Paggamit at Probisyon sa Ikatlong Partido
Sa prinsipyo, ang Kumpanya ay hindi magbibigay ng personal na impormasyon sa sinumang ikatlong partido, maliban kung ang kinauukulang customer ay pumayag sa nasabing paggamit o pinapayagan ng batas. Gayunpaman, maaaring magbigay ang Kumpanya ng personal na impormasyon sa may kaugnayang mga entity na wala ang pagpayag ng customer sa sumusunod na mga sitwasyon:
• Kapag ipinagkatiwala ng Kumpanya ang pangangasiwa ng personal na impormasyon sa ikatlong partido para sa mga layunin ng paggamit.
• Kapag ang Kumpanya ay isa sa mga partido sa isang konsolidasyong transaksyon.
• Kapag magkasamang ginagamit ng Kumpanya ang personal na impormasyon sa itinakdang mga entity na ipinaalam sa publiko.
Balewala ang anuman na salungat sa ipinahayag sa itaas, ang Kumpanya ay maaaring magbigay ng personal na impormasyon sa awtoridad ng pamahalaan (hal. Mga Korte at Pulis) kung kailangan o wastong hiniling ayon sa batas.
Sensitibong Impormasyon
Ang Kumpanya ay hindi kukuha, gagamitin, at ibigay (sa alinmang ikatlong partido) ang sensitibong impormasyon kabilang ang pagkakasaping politikal, relihiyon, pagsali sa labor union, lahi, pinagmulang etniko, pinagmulang pamilya, legal na address sa rehistro ng pamilya at impormasyong medikal maliban kung pinapahintulutan ng batas o ito ay kailangan para isagawa ang negosyo sa kondisyon kung saan ang Kumpanya ay binigyan ng paunang pahintulot ng customer.
Mga Pamamaraang Panseguridad
Pananatilihin at pangangasiwaan ng Kumpanya ang wasto at up to date na personal na impormasyon, at iiwasan ang pag-leak ng impormasyon gamit ang makatwirang mga pamamaraang panseguridad. Wastong pangangasiwaan ng Kumpanya ang mga empleyado at partido na pinagkatiwalaan sa paghawak ng personal na impormasyon sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mahigpit na mga pamantayan sa pangangasiwa ng seguridad sa impormasyon.
Patuloy na Pagpapahusay
Patuloy na rerebyuhin ng Kumpanya ang patakarang ito ayon sa pagkakabuo ng mga teknolohiya sa impormasyon at mga pagbabago sa mga hinihingi ng lipunan, at pahuhusayan ang pangangasiwa ng personal na impormasyon.
Mga Reklamo o mga Konsultasyon sa Personal na Impormasyon
Gagawa ang Kumpanya ng agarant at sapat na pamamaraan para maproseso ang anumang mga reklamo o mga konsultasyon kaugnay ng paggamit, probisyon, pagsisiwalat o pag-amyenda sa Personal na Impormasyon.
Mga Pamamaraan para Humiling ng Pagsisiwalat
Magsisikap ang Kumpanya na wasto at agarang harapin ang mga hiling ng customer kabilang ang abiso ng mga layunin ng paggamit, pagsisiwalat ng personal na impormasyon, koreksyon, pagdagdag at pagbura ng personal na impormasyon na hindi nagpapakita sa mga katotohanan, suspensyon ng paggamit at pagtanggal ng personal na impormasyon, suspensyon ng personal na impormasyon ng ikatlong partido.
Paano humiling ng Pagsisiwalat ng Personal na Impormasyon
Petsa ng Pagsimula:1-Abr-2005
Huling Nirebisa:1-Enero-2016
C-Square Inc.
Chief Executive Officer
Jeff Jung
■Help Desk
[Helpdesk ng Customer]
C-Square Incorporated Compliance Department
2F, Shinjuku-Uchino BLDG., 1-36-7 Shinjuku, Shinjukuku, Tokyo, Japan 160-0022
email: info@c-square.co.jp (24x365)
TEL: 03-3359-0028 (Mon~Fri 10:00~19:00 JST)
FAX:03-3359-0029
■Organisasyon ng Proteksyon sa Awtorisadong Personal na Impormasyon
Kami ay rehistrado at awtorisadong miyebro ng Japan Institute for Promotion of Digital Economy and Community (tinatawag pagkatapos na 'JIPDEC') na isa sa Mga Awtorisadong Organisasyon sa Proteksyon ng Personal na Impormasyon. Maaari kang kumontak sa JIPDEC kung may reklamo ka.
[Pangalan ng Awtorisadong Organisasyon sa Proteksyon ng Personal na Impormasyon]
Japan Institute for Promotion of Digital Economy and Community (JIPDEC)
[Complaint Resolution Body]
Privacy Mark Promotion Center
[Kontak]
12F Roppongi First BLDG., 9-9 Roppongi 1-chome, Minatoku, Tokyo, Japan 106-0032
TEL: 03-5860-7565 / 0120-700-779