Magsimula tayo!

  • Send money up to ¥1,000,000

    Mag-login o Mag-sign up
    Magpadala ng hanggang ¥1,000,000

  • Send money up to 100,000 JPY

    Magsumite ng Order
    Magpadala ng hanggang ¥100,000

3 Simpleng Hakbang para Magpadala ng Pera (Higit sa ¥100,000) sa enRemit

1Magrehistro bilang isang miyembro
sa enRemit.com

Kailangan mo lamang punan ang aming form ng pagrehistro ng miyembro online.
Ihanda ang kopya ng iyong photo ID.

▼Paano magrehistro bilang isang miyembro

2Magsumite ng Kopya ng ID ~
Proseso ng Pagberipika ng ID

Magpadala sa amin ng kopya ng iyong balidong photo ID sa pamamagitan ng aming website, o sa pamamagitan ng FAX o mail.
Kung okay na ang lahat, tatanggap ka ng sulat na pag-welcome na may pamberipikasyong code, sa pamamagitan ng hindi napo-forward na mail sa address sa iyong ID, sa loob ng 2~7 araw.

▼Tungkol sa Proseso ng Pagberipika ng ID
▼Kung dumating ang sulat na pag-welcome...

3Login sa enRemit,
Mag-order Online

Pakilagay ang pamberipikasyong code, at mag-login bilang isang miyembro.
Ngayon, maaari kang magproseso ng order na Magpadala ng Pera na hanggang ¥1,000,000 sa pamamagitan ng aming website.
Mangyaring magbayad sa isa sa aming mga account sa bangko, para maproseso ang iyong order.

▼Paano magpadala ng pera

Mga Detalye ng Serbisyo (Magpadala ng Pera)

Magpadala ng Pera

Ang enRemit ay isang online ng serbisyo sa remittance na pinapatakbo ng C-Square Incorporated, isang rehistradong Japanese Funds Transfer Service Provider, na ka-partner ng MoneyGram.
Sa pagpapadala ng pera sa pamamagitan ng enRemit, maaaring kunin ng iyong benepiasyaryo ang pera sa higit sa 340,000 na lokasyon ng agent sa buong mundo.

Mga Pangunahing Kailangan

Sa enRemit, handa kaming maglingkod nang patas na mahusay sa lahat ng customer, ngunit dahil sa mga limitasyon at regulasyon ng pamahalaan ng Japan, limitadoang paggamit sa aming serbisyo sa mga customer na nakakatupad sa sumusunod na mga kondisyon, at sumasang-ayon sa aming mga alituntunin at kondisyon.

  1. Customer na nakapasa sa filtering sa anti-money laundering at anti social force.
  2. Customer na sumasang-ayon sa mga alintuntunin at kondisyon ng aming serbisyo.
  3. An customer na alinman sa nagrehistro bilang isang miyembro sa pamamagitan ng pagkumpleto sa aming proseso ng pagberipika ng ID o magsumite ng kopya ng kanyang ID ID para maging one time user.
Panahon ng kontrata

Ang isang customer na nagrehistro bilang isang miyembro ay hindi limitado sa mga panahon ng kontrata. Ngunit ang isang guest (hindi rehistrado) user ay limitado sa isang beses na paggamit lamang, at kailangang makipagkontrata bawat pagkakataon na gagamitin nila ang serbisyo.

Layunin ng Pagpadala

Sa kasalukuyan, hindi kami tumatanggap ng pagpapadala ng pera para sa sumusunod na mga dahilan :

* Pagpapadala ng pera para sa bayad sa import o singil sa serbisyo.

* Anumang nasabing pagpapadala ng pera na sakop ng naunang pahintuloy, pag-apruba, report, o rehistrasyon na kinokontrol ng 'Batas sa Foreign Exchange at Foreign Trade'.

Maximum na Halaga ng Ipinadala
  1. Guest (Hindi rehistrado) User
    Ang pinakamababa ay alinman sa ¥100,000 o $900 katumbas bawat order.
  2. Miyembro (RehistradoMga user na
    ¥1,000,000 bawat order.
Minimum na Halaga g ipapadala ¥1,000 kada order.
Mga Bansa at mga Currency na sinasaklaw Maaari kang pumili mula sa ating mga talaan ng mga bansa at currencies.
Mga Service Fee Depende ito sa iyong destinasyong bansa at halagang ipapadala. (Kumpletong Talaan ng Service Fee
Mga Limitasyon Ipinapaalam sa iyo na may mga limitasyon sa dalas at kabuuang halaga ng perang ipapadala. Dagdag pa, paminsan-minsan, ang ilang bansa at currency ay maaaring hindi available para sa serbisyo, dahil sa pandaigdigang mga aktibidad o mga patakaran ng MoneyGram.
Pagproseso ng Order Ang mga order na Magpadala ng Pera na naisumite at nabayaran na hanggang 3PM JST (oras ng pagsasara ng mga bangko sa Japan) ay ipoproseso sa loob ng kaparehong araw na bukas ang bangko. Ang mga order na isumite at bayaran pagkatapos ang 3PM ay ipoproseso sa kasunod na araw na may pasok sa trabaho.
Oras ng pagproseso sa order
  1. Cash pickup (10 minutong serbisyo)
    Pwede na itong makuha matapos iisyu ang iyong reference number.
  2. Account deposit
    [Account Deposit UnionPay(China)]
    Karaniwang nangangailangan ng mga 10 minuto para maideposito ang iyong pera, mula sa oras nang iisyu ang reference number.
    Para sa mga oras na sarado na ang mga bangko ng China, nangangailangan ito ng 1 araw na may pasok.

    [Account Deposit ICBC(China)]
    Karaniwang nangangailangan ng 2 araw na may pasok sa trabaho para maideposito ang iyong pera, mula sa oras nang iisyu ang reference number.

    [Account Deposit:KARAMIHAN SA MGA BANGKO(Pilipinas)]
    Karaniwang nangangailangan ng 1 araw na may pasok sa trabaho para maideposito ng iyong pera sa Banco De Oro, mula sa petsa nang inisyu ang reference number.
    Para sa ibang mga bangko, nangangailangan ng 2 araw na may pasok mula sa petsa nang inisyu ang reference number.

    [Account Deposit:ALL BANKS(Brazil)]
    Nangangailangan ng mga 3 oras para madeposito ang iyong pera sa karamihan sa mga bangko, mula sa petsa nang inisyu ang reference number.
    Sa ilang mga bangko, maaaring mangangailangang gumugol ng hanggang 14 na oras.(1 araw na may pasok sa trabaho)
Kanselahin at Mag-refund
  1. Ang oder na Magpadala ng Pera na hindi pa nakolekta ng benepisyaryo ay maaaring ikansela.
  2. Sa kaganapan na hindi kukunin ng benepisyaryo ang kanyang pera nang higit sa 30 araw, kakanselahin ang order na Magpadala ng Pera nang walang anumang paunang abiso.
  3. Ipinapaalam sa iyo na ang order na Magpadala ng Pera ay maaaring kakanselahin nang walang paunang abiso, kung malaman namin o pagdudahan na may paglabag sa naunang pinagkasunduang mga alituntunin at kondisyon.
  4. Sa pangkalahatan, tanging ang halagang ipapadala ang magiging sakop ng refund. Hindi kami magre-refund ng ibang mga bayad o gastos.
    * Ang bayad sa wire transfer sa loob ng bansa na sasamahan ng refund ay dapat na Domestic wire transfer fee accompanied by a refund should borne by the customer.
    * Ang halaga ng refund ay ang resulta ng pagkaltas sa lahat ng bayad at gastos mula sa halagang ipinadala.
    Pakitandaan na maaaring kailangan ang higit pa sa 4 na araw na may pasok para makumpleto ang refund.
Palitan ang Order

Hindi ka pinapahintulutang baguhin ang impormasyon sa iyong order.

* Kung kailangan mong baguhin ang impormasyon ng iyong order, pakikansela at mag-order muli.

Ibang impormasyon
  1. Pakitandaan na maaaring may karagdagang mga kailangan ng aming partner, destinasyong bansa, o mga lokasyong pagkukunan.
  2. Maaaring idagdag o baguhin ang mga limitasyon nang walang paunang abiso.
  • Ang 'mga pickup location' ay nangangahulugang mga agent ng MoneyGram sa labas ng bansa kung saan makokolekta ng benepisyaryo an g kanyang perang ipinadala sa pamamagitan ng enRemit.
  • Maaari mong malaman ang mga detalye ng iyong order mula sa 'My Account' menu.

Magsimula tayo!

  • Send money up to ¥1,000,000

    Mag-login o Mag-sign up
    Magpadala ng hanggang ¥1,000,000

  • Send money up to 100,000 JPY

    Magsumite ng Order
    Magpadala ng hanggang ¥100,000