Pagprotekta sa Iyong Sarili laban sa Pandarayang Pinansyal
Ginagawa namin ang lahat ng magagawa namin para mabigyang kaalaman ang aming customer sa mga paraan para mapangalagaan ang kanyang pera at impormasyon, at maiwasan ang mabiktima ng pandaraya.
Pakitingnan ang sumusunod na mga talaan ng karaniwang pinansyal na mga pandaraya para malaman kung ano ang titingnan.
Karaniwang mga pandaraya sa
'Ore Ore' na Pandaraya sa Telepoho mula sa ibang mga bansa
Tumanggap ka ba ng tawag sa telepono mula sa isang apo o miyembro ng pamilya? O isang 'abogado' o 'police officer' na kasama doon nh miyembro ng iyong pamilya?there with your family member? Nahihirapan ba sila dahil naaksidente ang sinakyan nila? Humihingi ba sila ng pera para bayaran ang mga multa o ang pagpapakumpuni ng sasakyan? Tumawag ba ang kamag-anak dahil kailangan nila ng pera para sa isang miyembro ng pamilya na medikal na nangangailangan o para sa gamit? ITO AY ISANG PANDARAYA? THIS IS A SCAM! Mag-ingat kapag nagpadala ng pera sa alinman sa mga sitwasyong ito. Ang mga tumatawag na ito ay maaaring humiling na magpadala ka ng pera saanmna sa mundo. Kung hindi mo maberipika sa miyembro ng iyong pamilya (pagtawag sa kanilang numero na meron ka bago ang tawag na ito, hindi ang 'bagong numero' na ibinibigay ng caller sa iyp) na humihingi sila ng pera at hindi sigurado tungkol sa transaksyon, huwag magpadala ng pera. Mawawalan ka ng anumang pera na ipinadala.
(Cases)
- Tumatawag sa iyo ang dayuhang police officer at nagsasabing ang iyong anak ay malungkot dahil na-detained ito at nangangailangan ng pera para sa pagbabayad ng mga multa.
- Tumanggap ka ng tawag mula sa isang kriminal na nagsasabing "Kinidnap namin ang iyong anak. Magpadala ng XX Yen sa OO Bank."
- Naaksidente sa sasakyan ang iyong anak, at nangangailangan ng pera para sa operasyon.
Napakaganda para maging totoo
Tandaan na may iba pang mga uri ng pandaraya na nangunguna sa labas ng bansa, at dumadami rin bawat taon ang mga biktima. Kung ito ay napakaganda para maging totoo (tulad ng murang presyong ipinakita sa internet), maaari mo itong ituring na isang pandaraya. Palaging pinakaligtas ang gumamit ng common sense kapag nagpapadala ng pera. Ang pinakamahalagang tip na maibibigay namin ay, huwag magpadala ng pera sa isang taong hindi mo kilala.
(Cases)
- Tumanggap ka ng mensahe o email mula sa labas ng bansa na nagsasabing "Congratulations, kapapanalo mo lamang ng $10,000 sa isang loterya sa labas ng bansa!" at hinihiling na magpadala ng maliit na halaga ng pera para matanggap ang papremyo.
- Tumanggap ka ng mensahe o email mula sa isang taong hindi mo kilala, ngunit nagpakilalang isa siyang opisyal ng pamahalaan ng ibang bansa, at gusto niyang magdeposito ng pera mula sa abroad sa iyong bank account.
- Nakatanggap ka ng alok ng isang mamahaling produkto o limitadong produkto sa Japan at ang presyo ng item ay napakasulit para maging totoo at sinabihan kang bayaran ang item sa pamamagitan ng MoneyGram.
Pagpapadala ng pera sa isang estranghero
Magpadala LAMANG ng pera sa isang taong kilala mo na. Ang anumang pera na matanggap ng isang estranghero ay hindi na mababawi at sa kasamaang palad hindi na mare-refund ang pera sa iyo.
Ang enRemit ay isang napakaligtas at secure kapag nagpapadala sa isang taong kilala mo at pinagkakatiwalaan.
(Cases)
- Pagbabayad sa hindi umiiral na fan club para makakuha ng mga benepisyo.
- Pagbabayad para sa isang invoice na hindi mo matandaan.
Pagprotekta sa Iyong Sarili laban sa Pandarayang Pinansyal
Halos lahat ng pinansyal na pandaraya ay nag-uumpisa sa pakikipag-ugnayan sa isang estranghero. Protektahan ang iyong sarili mula sa pandaraya sa wire transfer. Huwag na huwag magpadala ng pera sa isang tao na hindi mo kilala. Huwag na huwag.
Magbigay ng pansin sa kaduda-dudang panghihingi na nagpapakilalang enRemit o MoneyGram.
Habang nagbabayad ka sa enRemit, pakitingnan at kumprimahin na ang bank account ay kapareho sa ipinakita sa aming website.
Mga Bank Account ng enRemit
Tumatanggap lamang kami ng bayad mo sa pamamagitan mga bank account na nakatala sa aming website.
Kung may pagdadalawang-isip ka sa bayad, pakikontak kami sa enRemit Customer Center.
Kung makakakita ka ng isang bagay na kaduda-duda
Kung makakatanggap ka ng isang kaduda-dudang alok sa pamamagitan ng tawag sa telepono, parcel, mail, o email, pakikontak ang isang police officer o opisyal ng pamahalaan na tutulong sa pangangasiwa sa mga pandaraya sa mamimili. Para maprotektahan ang sarili laban sa pandaraya sa mamimili, alamin ang mga trick at gamitin ang iyong coommon sense.
Kung sa palagay mo napakagandas nito para maging totoo, maaari itong lalabas na isang PANDARAYA.
Reperensya:
Ministry of Foreign Affairs of Japan - Overseas Safety Homepage
http://www.anzen.mofa.go.jp/jikenbo/jikenbo29.html
Pandaigdigang Impormasyon sa Pandaraya mula sa JETRO FAQ
http://www.jetro.go.jp/contact/faq/419/
Muli, magbigay ng pansin sa pandaraya.